BOMBO DAGUPAN – “Masaya kami dahil inaasam naming makaharap si pangulong Marcos.” Ito ang natutuwang pahayag ni Roselyn Obcena, Secretary General ng Alliance of Filipino Overseas Community sa Indonesia sa pagbisita doon ni pangulong Ferdinand “BongBong” Marcos Jr.
Ayon kay Obcena, napakainit ang pagtanggap ng mga Pinoy at mga mamamayan ng Indonesia kay PBBM dahil sila ay nabigyan ng pagkakataon na makaharap ang pangulo.
Hindi umano alintana ang pagod sa biyahe ng mga pinoy para lang makadaupang palad ang pangulo. katulad niya na anim na oras ang biyahe niya at kahit walang tulog ay masayang masaya naman sila at nakaugnayan ang pangulo sa unang pagkakataon mula nang maupo bilang presidente.
Umaasa si Obcena na ipagpapatuloy ni PBBM ang mga nasimulan ni dating pangulong Rodrigo Duterte na naging pagbabago sa bansa.
Sa pagharap no PBBM, tumatak sa kanila ang pahayag nito na paiigtingin pa ang bilateral relationship ng Pilipinas at Indonesia gayundin ang security at defence, investment at agriculture.
Samantala, ibinahagi naman ni Bombo International Correspondent Zarah Perales Pornel mula sa Indonesia na masaya sila dahil nagkaroon sila ng tsansa na makadaupang palad si Marcos.
Marami aniyang Pinoy doon ang bumiyahe pa ng 6-10 na oras para makapunta lang sa event.
Para naman sa kanya, tumatak sa kanyang puso sa naging pahayag ni PBMM ang kanyang malasakit sa mga OFW at pagkilala sa kanilang serbisyo at ambag sa ekonomiya ng bansa.