-- Advertisements --
Naniniwala si Philippine women’s national football team head coach Alen Stajcic ang kahandaan ng koponan sa FIBA Womens World Cup.
Gaganapin ang kauna-unahan at makasaysayang pagsabak ng Filipinas sa Hulyo 20 sa Australia at New Zealand.
Ayon sa Filipinas coach na nakatulong ang mahigit isang buwan nilang training sa Wellington, New Zealand sa Hulyo 17 o tatlong araw bago ang unang laban nila kontra Switzerland sa July 21.
Ilan sa mga huling makakaharap kasi nila ay ang Sweden at tiwala ito na nasa peak na sila sa ensayo.
Nitong nakaraang mga araw ay inilabas na nito ang listahan ng 23 manlalaro na sasabak sa World Cup.
Bagamat malinaw na underdog ang Filipinas subalit sila naman ang itinuturing na malakas na koponan sa kanilang grupo.