-- Advertisements --

Target ng Philippine women’s national football teams na mahigitan nila ang kanilang performance sa nagdaang Southeast Asian Games.

Sinabi ni Filipinas football coach head coach Alen Stajcic na naka-focus sila na makakuha ng gintong medalya sa 32nd Southeast Asian Games.

Noong nakaraang SEA Games kasi na ginanap sa Vietnam ay naka-bronze medal lamang sila.

Unang makakaharap ng womens’ football team ngayong araw ay ang Myanmar kung saan ito ay itinuturing nilang bronze medal match noong nakaraang SEA Games na nagwagi ang Pilipinas sa score na 2-1.