-- Advertisements --

Target ng Philippine Womens’ Football team na Filipinas na makabawi matapos ang pagkatalao 0-1 kontra Myanmar sa kanilang unang laro sa Southeast Asian Games sa Cambodia.

Nakuha ng Malaysia ang puntos sa pamamagitan ng penalty kick sa huling minuto ng laro.

Sa simula ng laro ay naging mahigpit ang depensang ipinatupad ng Myanmar kaya kanilang naharang ang mga tangkang goal ng Filipinas.

Dahil sa pagkatalo sa Myanmar ay nararapat na talunin ng Filipinas ang Malaysia na kanilang susunod na makakaharap.

Tinambakan kasi ng Malaysia ang Vietnam 3-0 sa kanilang paghaharap.

Magaganap ang paghaharap ng Filipinas at Malaysia ngayong Mayo 6 dakong alas-9 ng gabi.