-- Advertisements --
Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng women’s football team ng bansa na Filipinas para sa 2024 AFC Women’s Olympic Qualifying Tournament.
Ayon kay Filipinas head coach Mark Torcaso na mayroong 29 manlalaro ang kaniyang isinasanay sa training camp sa Australia.
Unang makakaharap ng Filipinas ang Chinese Taipei sa Oktubre 26 habang sa Oktubre 29 ang Australia at sa Nobyembre 1 naman ay makakaharap nila ang Iran.
Ang mangungunang koponan ay tiyak na sa third round ganun dina ng best runner-up team.
Nakapag-qualify na ang Filipinas sa ikalawang round ng Olympic qualifiers ma tapo ang kanilang tagumpay sa unang round kung saan tinalo nila ang Pakistan 4-0, Tajikistan 8-0 at Hong Kong 4-0.