-- Advertisements --

Hindi pinaporma ng Philippine women’s national football team na Filipinas ang Vietnam 4-0 sa semifinals ng 2022 AFF Women’s Championship.

Itinuturing na ito ang unang pagkakataon na makapasok sa finals ng nasabing prestihiyosong torneyo ang koponan ng tanggalan nila ng korona ang Vietnam.

Dahil dito ay makakaharap nila ang Thailand na tinalo naman sa hiwalay na game ang Myanmar national team.

Ang finals ay gaganapin sa sa Linggo, Hulyo 17 sa Rizal Memorial Stadium sa Maynila.

Kung maaalala tinalo na rin ng Thailand ang Pilipinas nitong nakalipas na araw.

Dahil dito misyon din ng homecourt team na makaganti sa Thailand.

Gayunman, malaking hamon pa rin rin ito sa Filipinas dahil itinuturing sila bilang underdog.

Unang nakapagtala ng goal ay ang beteranong defender na si Hali Long sa 32 ng makuha ang pasa mula kay team captain Tahnai Annis.

Pagpasok ng second half ay naipasok din ni Annis ang penalty sa 51st minuto at dalawa kay Sarina Bolden sa 62nd at 70th minutes.

Ang pamamayagpag ngayon ng mga Pinay booters ay malaking bagay sa kanilang paghahanda para sa pinakamalaking laban sa World Cup sa susunod na taon na kasama rin ang Vietnam.