-- Advertisements --

Nabigo ang Philippine women’s national football team ng bansa na Filipinas sa 2025 AFF Women’s Championship (MSIG Serenity Cup).

Ito ay matapos na naging 1-1 draw ang laban nila kontra Myanmar sa torneo na ginanap sa Vietnam.

Kinailangan kasi nilang manalo matapos na mabigo sila sa Australia sa score na 1-0 nitong Linggo.

Dahil dito ang ranked 39 na Filipinas ay nagtapos sa ikatlong puwesto sa Group B na mayroong apat na puntos sa +6 goal difference.

Habang ang Myanmar at Australia ay abanse na sa semifinals laban sa top teams ng Group A na Vietnam at Thailand.