-- Advertisements --
Nakakuha na unang panalo ang Philippine national women’s volleyball team sa nagpapatuloy na 2022 AVC Cup for Women.
Ito ay matapos na talunin nila ang Iran 25-19, 25-22, 20-25 at 25-14.
Dahil dito ay kapwa mayroon isang panalo at dalawang talo ang Pilipinas at Iran.
Naging mabagal ang pagsisimula ng Filipinas ng pangunahan ni Ced Domingo ang koponan.
Umarangkada ang Iran sa third set kaya nakuha nila ang panalo 25-20.
Nakabawi ang Filpinas sa ikaapat na set sa pamamagitan ni Michele Gumabao.
Nanguna sa panalo ng Filipinas si Jema Galanza na nagtala ng 21 points habang mayroong 13 points si Gumabao, 14 points si Tots Carlos at tig 9 points sina Jeanette Panaga at
Domingo.