Maglalagay ang Philippine womens’ football team ng apat na bagong manlalaro sa friendly game nila kontra sa New Zealand sa darating na Miyerkules.
Bukod pa sa dito ay kasama din nilang maglalaro ang nagbabalik na si Chandler McDaniel sa laro na gaganapin sa Titan Stadium sa California State University, Fullerto.
Nitong Linggo ay ipinakilala ng Philippine Football Federation (PFF) ang 27-memer team para sa Filipinas na sasabak sa World No. 22 na New Zealand.
Ang mga bagong sasabak ay kinabibilangan nina midfielders Reinna Gabriel at Merryl Serrano, defender Reina Bonta at goalkeeper Kaiya Jota.
Hindi kasi nakasama si McDaniel matapos na makakuha ng bronze medal ang Filipinas sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam at ang makasaysayang kampeonato noong Asean Football Federation Women’s Championship noong Hulyo.
Nagtamo kasi ng injury sa kaniyang kanang tuhod si McDaniel na kanilang forward noong AFC Women’s Asian Cup 2022 noong Pebrero.
Kasalukuyang nasa US ang Filipinas para sa paghahanda ng World Cup sa susunod na taon.