-- Advertisements --

Nabigo ang Philppine women’s national football team na Filipinas sa friendly game nila ng Costa Rica 2-1.

Unang nakapagtala ang puntos ang Filipinas 1-0 sa pamamagitan ni Carleigh Frilles sa first half ng laro.

Pagsapit ng second half ay hindi na nakayanan ng Filipinas ang matinding depensa ng Costa Rica.

Ito na ang pangalawang paghaharap nila ng Costa Rica na noong Sabado ay nagtapos a 1-1 draw ang kanilang laro na ginanap sa Estadio Ricardo Saprissa sa San Jose, Costa Rica.

Ang nasabing laro ay bahagi ng paghahanda nila para sa pagsabak nila sa FIFA Women’s World Cup sa susunod na taon.