-- Advertisements --

Maghaharap ang Filipinas womens football team at Vietnam para makakuha ng puwesto sa finals ng 2022 AFF Women’s Championship.

Nanguna kasi sa Group B ang Vietnam ng tambakan ang Myanmar 4-0 nitong Miyerkules habang ang Filipinas ay nasa Group A na nakuha ang panalo kontra Australia 1-0 sa pagsisimula ng torneo.

Inamin ni Philippines coach Alen Stajcic na sila ay underdog dahil ang Vietnam ay defending champion ng AFF Women’s Championship ganun din sa Southeast Asian Games.

Huling nagharap ang Filipinas at Vietnam ay noong 31st SEA Games kung saan tinalo nila ang pambato ng bansa 2-1.

Ang sinumang mananalo sa laban ng Vietnam at Filipinas ay siyang makakaharap ng sinumang manalo sa Myanmar at Thailand.

Magsisimula ang laban ng alas-8 ng gabi sa Rizal Memorial Football Stadium.