-- Advertisements --

Pinaghandaan na ng Philippine women’s football team na Filipinas ang ikalawang round ng 2024 Asian Football Confederation Women’s Olympic qualifying tournament.

Ang nasabing torneo ay gaganapin sa Australia sa mula Oktubre 23 hanggang Nobyembre 1.

Nasa Group A ang Filipinas kung saan makakaharap nila ang Australia, Chinese Taipei at Iran.

Nakaharap na ng Filipinas ang nasabing mga koponan noong mga nagdaang mga torneo kung saan tinalo nila ang Chinese Taipei sa pamamagitan ng penalties noong 2022 AFC Women’s Asian Cup.

Tinalo rin nila ang Iran sa 2020 AFC Olympic qualifying tournament subalit nabigo sila sa Australia noong U-23 AFF Women’s Championship noong nakaraang taon.