Hindi lang paghahanda ng physically at tactically ang ginagawa ngayon ng Philippine womens football team ilang araw sa pagsisimula ng kauna-unahang pagsabak nila sa FIFA Women’s World Cup sa New Zealand at Australia.
Sinabi ni Filipinas midfielder Quinley Quezada na mentally na rin silang naghahanda sa kakaibang klima para sa nasabing World Cup games.
Inaasahan kasi na ilang libong mga fans ang manonood sa kanilang laban sa July 25 kontra sa co-host country na New Zealand na gaganapin sa Welling Regional Stadium.
Sa unang laro ng Filipinas ay kontra sa Switzerland sa Hulyo 21 sa Forsyth Barr Stadium sa Dunedin, New Zealand na may capacity na 31, 000 fans.
Bagamat sanay na aniya sila sa maraming mga manonood ng laban ay iba pa rin ang nararamdaman kapag maglalaro sa World Cup dahil sa mga pinakamagaling na koponan ang makakaharap sa buong buong mundo.
Ayon sa FIFA na mahigit isang milyon na ang ticket na kanilang naibenta kung saan sa katunayan aniya ay sold-out na ang ticket sa laban ng co-host na Australia kontra Ireland sa darating na July 20.