-- Advertisements --
Hindi nababahala si Filipinas Women’s football team coach Alen Stajcic sa pagkakaroon ng home court advantage ng New Zealand.
Makakaharap kasi nila ang New Zealand mamayang 1:30 ng hapon sa nagpapatuloy na FIFA Womens’ World Cup.
Sinabi ni Stajicic na nananatiling naka-focus pa rin sila at ituturing na ordinaryong laro lamang ang laban nila kontra sa host country.
Aminado nito na under-dog sila dahil sa maging ang mga audience ay maituturing na kanilang kalaban.
Nasubukan na kasi ng Filipinas na maharap sa home court advantage ng makalaban nila ang Vietnam sa 2021 Southeast Asian Games laban sa Vietnam.