-- Advertisements --

May mga nakahanay na mga trainings at friendly games ang Philippine Womens Football team na Filipinas bilang paghahanda sa kauna-unahang pagsabak nila sa FIFA Womens World Cup sa susunod na taon.

Sinabi ng kanilang team manager na si Jefferson Cheng na magpapatuloy ang kanilang pagsagawa ng mga friendly games at training camps habang papalapit na ang torneo.
Hindi aniya nila sasayangin ang oras para mangibabaw sa nasabing torneo.

Magugunitang nahanay ang Filipinas Group A ang Filipinas kung saan kasama nila dito ang Norway, Switzerland at co-host na New Zealand na magsisimula ang torneo sa darating na Hulyo 21.

Matapos kasi ang ma-qualify sa World Cup noong Pebrero ay naging abala ang Filipinas sa mga paglahok sa torneo kung saan kabilang ang AFC Women’s Asian Cup at naging bronze medalist sila sa Southeast Asian Games noong Mayo.

Noong Hulyo naman ay nagkampeon ang Filipinas sa Asean Football Federation Women’s Championship.