Gazini
“I can assure you that this is not the end. This is the start of a new beginning❤ “

Bagama’t itinuturing na “compliment,” naniniwala si Binibining Pilipinas-Universe Gazini Ganados na hindi lang ang kanyang pagkakaroon ng Latina beauty ang advantage nito sa 2019 Miss Universe coronation.

Ayon sa 23-year-old Fil-Palestinian model, hindi lang pisikal na anyo ang mahalaga kundi ang nilalaman ng puso.

“I’ll take that as a compliment but it’s not just usually the outlook or your physical appearance; it’s usually what your heart says,” ani Ganados.

Kasabay nito ay inamin ng Cebuana beauty na hindi niya alam kung buhay pa ang kanyang dayuhang ama pero hangad na makilala ito balang araw.

“This is quite sentimental to me but I want to go to Palestine because I never met my father,” saad nito sa Manila Bulletin.

“I don’t know if he is still alive. I’m hoping for the best. He’s a Palestinian. I just wanna go there and try to look for him. I heard a lot of good stories about Palestines. They have good food. Who knows? I would bump into him,” dagdag nito.

Magiging “happiest day” aniya ng kanyang buhay kung mayayakap nito ang ama at magpapasalamat para sa kanyang narating na tagumpay.