Ibinahagi ni Filipino-Ivorian fencer Maxine Esteban ang tunay na dahilan ng paglipat nito ng nationalities na irerepresenta sa mga sporting events sa ibang bansa.
Sinabi nito na wala talaga itong balak na talikuran ang bansa subalit ang fencing federation ng bansa ang tumalikod sa kaniya.
Nagsimula ito noong naging representative ito ng Pilipinas sa World Championship sa Egypt noong nakaraang taon.
Subalit sa kasamaang palad ng eight-time national champion at tanging Filipino fencer World Cup multi-medalist ay nagtamo ng injury.
Dahil dito ay hiniling niya ng anim na buwan para sa rehabilitation program at para sa tuluyang paggaling nito at pinayagan naman ito ng Philippine Fencing Association (PFA) na hind muna makapaglaro sa mga national at international events ng qualifiers.
Laking gulat naman lamang niya ng ipaalam sa kaniya ng kapwa fencer na hindi na ito kabilang sa listahan ng national team na hindi man lamang ipinaalam sa kaniya ng federation.
Humingi ito ng mga pagpapaliwanag sa Philippine Fencing Federation subalit hindi nila ito pinansin.
Dahil sa pangyayari ay hindi na ito nagdalawang isip na tanggapin ang alok ng ibang bansa na maging national athletes nila.
Bukod kasi sa Ivory Coast ay maraming mga bansa ang nag-alok sa kaniya subalit pinili niya ang Ivory Coast dahil sa doon naka-base ang kaniyang pamilya.
Umaasa ito na siya na ang huling atleta ng bansa na maglilipat ng nationality.