-- Advertisements --

Nagkampeon sa Hong Kong Open si Filipino-Canadian Leylah Fernandez.

Ito ay matapos talunin niya si Katerina Siniakova ng Czech Republic sa score na 3-6, 6-4, 6-4 sa laro na umabot ng dalawang oras at 49 minuto na ginanap sa Victoria Park stadium.

Ang ranked 60 na si Fernandez ay 2021 US Open Finalist matapos talunin siya ni Emma Raducanu.

Pinasalamatan ng 21-anyos na si Fernandez ang kaniyang koponan dahil sa tagumpay niya sa panalo.

Naging sulit aniya ang kaniyang paghihirap sa ensayo dahil sa tagumpay nito sa laro.