-- Advertisements --

Bumisita sa University of Santo Tomas si Filipino-British nurse May Parsons.

Si Parsons ang siyang uanng nagbakuna ng COVID-19 vaccines at nakatanggap ng George Cross na parangal kay Queen Elizabeth II.

Ang nasabing parangal siyang pinakamataas na civilian award na ibinibigay ng gobyerno ng Britanya.

Nagtapos kasi si Parsons sa UST ng kursong nursing noong 2000 at nagtrabaho sa UST hospital bago manirahan sa United Kingdom.

Sa kasalukuyan ay nagtatrabaho ito ngayon as National Health Service sa UK.

Noong Disyembre 2020 ay siya ang unang nagturok ng Pfizer-BioNTech vaccines sa isang 90-anyos na si Margareth Keenan sa London.