-- Advertisements --

Hindi makakapaglaro sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam si Filipino-Australian Luke Michael Gebbie matapos na ito magpositibo sa COVID-19.

Lahat kasi ng mga nagtutungo sa Vietnam ay isinasailalim sa COVID-19 testing subalit ito ay nagpositibo.

Labis na ikinalungkot ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham ‘Bambol’ Tolentino ang pangyayari dahil isang kabawasan ito sa medalya na makakamit ng bansa.

Si Gebbie na naging representative na rin ng bansa noong Tokyo Olympics at nakakuha ng silver medal sa 4×100 meter freestyle noong 2019 SEA Games.

Kabilang kasi si Gebbie sa 16-man aquatic team na sasabak sa Hanoi.

Magugunitang tatlong Filipino kickboxers ang nagpositibo sa COVID-19 subalit sila ay nabigyan ng clearance ng sumailalim muli sa retesting.