-- Advertisements --
Nakatakdang mabigyan ng Hollywood Walk of Fame stars sina Filipino-American singer Nicole Scherzinger at komedyanteng si Joseph Glenn “Jo Koy” Herbert.
Kasama ang dalawa kabuuang 32 na celebrities sa Hollywood Walk of Fame Class of 2027.
Ang mga ito ay mayroong kakaibang impact sa kanilang mga audience sa buong mundo sa kanilang mga talent, creativity at dedication sa kanilang sining.
Sinabi ni Peter Roth ang chairman ng Walk of Fame Selection na labis nilang ikinakatuwa ang pagdating ng bagong Class of 2027.
Ang dalawa ay tatanggap ng stars sa ilalim ng Live Theater /Performance category kasama ang ballet dancer na si Roberto Bolle.











