-- Advertisements --

Nakabenta ng kalahating milyon na tickets ang FIFA para sa Women’s World Cup na gaganapin mula Hulyo hangagng Agosto sa Australia at New Zealand.

Ayon sa FIFA na mula ng simulan nila ang pagbebenta ay mabilis na nakabili ang mga football fans mula sa 120 na bansa.

Gaganapin ang opening ceremony sa Hulyo 20 sa Eden Park sa New Zelaland habang ang finals ay sa Agosto 20 sa Stadium Australia.

Magugunitang kabilang ang Philippine women’s football team na Filipinas sa nasabing Women’s World Cup na ito ang unang pagkakataon sa kasaysayan ng bansa.

Bukod sa Pilipinas ay unang sasabak din sa World Cup ang Morroco, Zambia, Vietnam at Republic of Ireland.

Nanguna sa nakabili ng tickets ay mula sa US, England, Qatar, Germany, China, Canada, France at Republic of Ireland.