-- Advertisements --

Nagbabala ang FIFA na ikansela ang World Cup contract ng mga hotel sa Qatar na hindi tatanggap ng reservation mula sa same-sex couples.

Ito ay kasunod ng report na may tatlong hotels sa nasabing Middle Eastern nation na tumanggi na i-book ang same-sex couples na may planong manood ng World Cup.

Ayon kay Bombo International Correspondent Queny Gajete Parcon direkta sa Qatar, may 20 ring mga hotels ang nagpahayag na tatanggap sila ng same-sex couples ngunit sa kondisyon na hindi ipapakita sa publiko ang kanilang sekswalidad at relasyon.

Napag-alamang iligal ang homosexuality sa Qatar, ngunit una nang tiniyak ng FIFA na magiging inclusive ang World Cup o walang diskriminasyon.

Tiniyak rin ng Supreme Committee for Delivery & Legacy (SC) sa World Cup na ipapaalam sa hotel managements ang strict requirements kauganay sa pag-welcome sa football fans, players, officials at iban pang core stakeholders.

Magsisimula ang World Cup sa Nobyembre 21 at magtatapos sa Disyembre 18.