Itinuturing ng football governing body na FIFA na isang nakakalungkot sa mundo ng soccer ang nangyaring kaguluhan sa isang football game sa Indonesia na ikinasawi ng 125 katao.
Naganap ang insidente nitong gabi ng Sabado ng matalo ang Arema Football Club sa Persebaya Surabaya sa East Java kung saan dahil sa kapikunan ay nagpanggabot ang mga fans.
Napilitan ang mga kapulisan na gumamit ng tear gas para masawata ang kaguluhan.
Sinabi ni FIFA president Gianni Infantino na nasa state of shock ang mundo ng football.
Ang nasabing insidente ay maaari sanang mapigilan subalit hindi na ito nakontrol ng mga otoridad.
Kinondina nito ang mga kapulisan na gumamit ng tear gas sa mga fans.
Nagpaabot na rin ito ng pakikiramay sa mga nasawing biktima.
Ilang mga football clubs at teams ang nagulat at nagpaabot ng pakikiramay sa mga nasawing biktima.
Pinangungunahan ito ng Asian Football Confederation, La Liga, Spanish Football Federations at ilang clubs sa Premier League.