-- Advertisements --
Nalusutan ng Converge FiberXers ang Magnolia 111-109 sa nagpapatuloy na 2023 PBA Governor’s Cup na ginanap sa Ynares Center sa Antipolo.
Umabot pa sa 14-points ang kalamangan ng FiberXers hanggang nahabol ng Magnolia.
Bumida sa panalo si import Jamaal Franklin na nagtala ng 26 points, 13 rebounds at pitong assists.
Nakapag-ambag naman ng 22 points si Maverick Ahanmisi habnag mayoong 18 points si Alex Stockton.
Ikinatuwa naman ni Converge coach Aldin Ayo ang panalo ng kaniyang koponan dahil sa naipagana nila ang kanilang mga play.
Dahil sa panalo ay mayroon ng tatlong panalo at wala pang talo ang Converge na nakuha ang solo na puwesto sa ranking.










