-- Advertisements --

Bumandera si Jamaal Franklin para tuluyang talunin ng Converge FibeXers ang Rain or Shine 112-98 sa paghaharap nila sa nagpapatuloy na PBA Governors’ Cup.

Nagtala kasi ang kanilang import ng triple double na 25 points, 15 assists at 13 rebounds para madala ang FiberXers sa apat na panalo.

Nakapag-ambag naman ng 21 points si Justin Arana habang mayroong tig 10 points sina Alec Stocton, Jeron Teng, Jerrick Balanza at Abu Tratter.

Pinuri naman ni Converge coach Alden Ayo ang kaniyang koponan dahil sa magandang laro na kaniyang koponan.

Nasayang naman ang nagawang 34 points ni Michael Qualls kung saan pinalabas pa sa court ang coach nila na si Yeng Guiao dahil sa dalawang technical fouls.