-- Advertisements --
Nai-turn over na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mga ipinangako nitong bangka para sa mga mangingisda na sakay ng F/B GemVir 1 na binangga umano ng Chinese vessel kamakailan sa West Philippine Sea.
Nitong araw nang ibigay ng BFAR-Mimaropa ang 11 fiberglass boats sa 22 mangingisda.
Ayon kay BFAR regional director Elizer Salilig, mas malaki at maraming gamit ang bagong bangka na kanilang ipinamahagi sa mga biktima na nagkakahalaga ng P125,000 kabuuan.
Samantala sinabi ni Mark Anthony Sinag ng Department of Social Welfare and Development-Occidental Mindoro na magbibigay din ang kagawaran ng tig-P10,000 tulong sa mga mangingisdang biktima, gayundin ng iba pang relief goods.