Sinimulan na ng FIBA ang kanilang 500 days countdown para sa FIBA Basketball World Cup 2023.
Magiging host dito ang Pilipinas kasama ang Japan at Indonesia.
Dalawang beses na ring bumisita sa bansa si FIBA FIBA Basketball World Cup 2023 executive director David Crocker para tignan ang kahandaan ng bansa sa hosting ng FIBA Basketball World Cup.
Kasama ni Crocker ang ilang opisyal ng FIBA at sila ay nakipagpulong kay Local Organizing Committee (LOC) Executive Board na binubuo nina Manny V. Pangilinan, Al Panlilio, Ricky Vargas at Sonny Barrios.
Humanga ang mga opisyal ng FIBA sa kahandaan ng mga local organizing committee ganun din ang hilig ng mga Filipino sa sports ng basketball.
Bukod sa nalalapit na torneo ay magsasagawa ang Pilipinas ng FIBA World Congress na dadaluhan ng 212 bansa.










