-- Advertisements --

Inanunsiyo ng FIBA ang petsa ng pag-drawlots sa mga kalahok ng 2023 Basketball World Cup.

Sa ginawang anunsiyo ng FIBA na gagawin ang drawlots sa darating na Abril 29, 2023 sa Pilipinas.

Malalaman dito kung saan mahahanay na grupo ang 32 na mga koponan na kalahok.

Isa kasi ang Pilipinas na napiling host ng Basketball World Cup kasama ang bansang Japan at Indonesia.

Sa Pilipinas din isasagawa ang dalawang Group Phase venues para sa mga pangunahing programa ng FIBA at dito rin gaganapin ang Final Stage.

Ilan sa mga aktibidad din ay ang National Federation workshop sa Abril 30.

Magsisimula ang FIBA Basketball World Cup mula Agosto 25 hanggang Setyembre 10.