-- Advertisements --
NAGA CITY- Pinaghahanap na ngayon ng mga otoridad ang mga suspek na nagtapon ng isang fetus sa Lacawan Bridge, Barangay Ilayang Dupay, Lucena City.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), nabatid na isang Jenny Merano ang nakapansin ng isang pulang eco bag na natatakpan ng itim na jacket.
Agad umanong lumapit si Merano dahil sa mabahong amoy at nang buksan ang ecobag, doon na tumambad ang isang fetus na tinatayang nasa walong buwan na.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.