Umapela ang dating miyembro ng “Black Eyed Peas” na si Fergie sa korte na maibalik sa dati ang kanyang pangalan.

Batay sa impormasyon, naghain na umano ng mga legal documents si Fergie upang magamit niyang muli ang dati nitong pangalan na Stacy Ann Ferguson.

Noong Agosto 2013 nang gamitin niya ang kanyang stage name na Fergie Duhamel, kung kailan halos limang taon na silang kasal ng celebrity husband na si Josh Duhamel.

Kamakailan lamang nang maghain ng divorce si Fergie laban kay Josh.

Ito’y dalawang taon matapos ianunsyo ang kanilang paghihiwalay sa kabila ng eight years of marriage na nagbunga ng isang anak na ngayon ay five years old na.

Batay sa impormasyon, inihain ng 44-year-old singer ang divorce documents sa Pasadena court sa Los Angeles.

Wala pa namang komento ang magkabilang kampo hinggil sa panibagong development ng paghihiwalay ng celebrity couple.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here