Nagpahayag ng pagkabahala si Film Development Council of the Philippines (FDCP) chair Liza Dino dahil sa pagdami ng kaso ng COVID-19 sa mga lock-in movie production shoots.

Nakatanggap kasi ito ng ulat na mayroong 30 confirmed at suspected COVID-19 cases sa mga movie wokers.

Dahil dito ay nakikipag-ugnayan na sila sa production companies para tugunan ang nasabing problema.

Nakausap na rin nito ang Department of Health at Department of Labor and Employment para tignan ang maaaring paglabag ng mga production companies.

Nanawagan ito sa mga production companies na makipagtulungan sa kanila para matiyak na hindi nila nilabag ang anumang health protocols.