-- Advertisements --

Marami-rami na rin daw ang nahuli ng Food and Drug Administration (FDA) kaugnay ng pagbebenta sa pekeng bersyon ng Chinese medicine na Lianhua Qingwen.

Ayon kay FDA director general Eric Domingo, naglipana ang mga pekeng bersyon ng nasabing gamot nitong pandemya.

Sa China, aprubado ang Lianhua Qingwen bilang treatment drug sa mild COVID-19 cases. Dito sa Pilipinas, rehistrado ang nasabing gamot pero hindi para sa mga pasyente ng coronavirus, kundi sa ibang komplikasyon.

“Medyo marami na (ang nahuli). We’ve been working with the National Bureau of Investigation and Philippine National Police and we’ve actually raided several establishments here in Metro Manila and Region 3,” ani Domingo.

Sa ilalim ng Certificate of Product Registration ng gamot, aprubado ito para sa treatement ng lung toxins, lagnat at iba pang sintomas. Dapat din na may reseta ng lisensyadong doktor ang pagbili rito ng publiko.

Una nang nagbabala ang FDA sa publiko ukol sa banta ng pagbili sa mga produktong hindi dumaan sa kanilang proseso ng registration.