Nagbabala ang Food and Drug Administration sa publiko hinggil sa pagbili ng 13 hindi awtorisadong mga cosmetic items.
Ito ay sa kadahilanang hindi sumailalim ang mga ito sa kaukulang evaluation process na inire-require ng naturang ahensya.
Natuklasan ng postmarketing surveillance at verification process na ang mga produktong ito ay walang valid na Certificate of Product Notification simula noong Nob. 14.
Dahil sa pag-alis ng mga cosmetic products na ito mula sa notification process ng FDA, iginiit ng ahensya ang kawalan nito ng kakayahan na magarantiya ang kanilang kalidad o kaligtasan.
Kasabay ng pagbibigay-diin sa mga potential threat nito sa kalusugan ng mga mamimili, dahilang ng pagbababala ng FDA sa mga posibleng adverse reactions ng mga ito gaya ng pangangati ng balat, pangangati, anaphylactic shock, at maging ang organ failure.
Ayon sa ahensya, hangga’t hindi nakakapagcomply ng buo ang mga ito sa regulatory standards ay inatasan ng FDA ang mga apektadong establisyimento na itigil ang pagtitinda ng mga ilegal na produktong kosmetiko na ito kasabay ng paghimok sa mga mamimili na maging mapagmatyag sa kanilang mga binibiling mga produkto.