Pinuna ng ilang mambabatas ang umano’y special treatment sa pagbibigay ng compassionate use license ng Food and drug Administration (FDA) para sa 10,000 doses ng Sinopharm para sa mga tauhan ng Presidential Security Group (PSG).

Ayon kay Sen. Risa Hontiveros, hindi magandang unahin ang security detail ng Pangulong Rodrigo Duterte habang naghihintay lamang ang dapat sanang unahin na health workers.

“There should be no fast lane for PSG, especially when there is no special treatment for our health care workers who sacrificed the most in this pandemic,” wika ni Hontiveros.

Giit nito, mahalagang masunod ang priority list na inihanda para sa vaccination program ng ating bansa.

Una nang sinabi ni Sen. Richard Gordon na dapat idaan sa tamang proseso ng mga nasa gobyerno ang pagsunod sa vaccination program upang maging huwaran.

-- Advertisement --