Bumuo ang Food and Drug Administration (FDA) ng isang task force para pabilisin ang paglalabas ng gamot kontra covid-19 na maaaring mabili sa mga merkado sa Pilipinas.
Ayon kay FDA Director General Samuel Zacate, inatasan ang Task Force Fleming para sa streamline ng approval at evaluation ng covid-19 drugs nang hindi nakokompromiso ang bisa, kalidad at kaligtasan ng mga gamot.
Una ng nag-isyu ang state drug regulator ng emergency use authorizations para sa COVID-19 drugs at vaccines nang may ilang kondisyon.
Tiniyak naman ni Zacate na ang mga covid-19 drugs na aaprubahan at iisyuhan ng Certificates of Product Registration ay magiging accessible sa publiko sa mga FDA-licensed establishments kalakip ng pagsisiguro na kanilang tutugunan ang anumang post-market issues sa pamamagitan ng mahigpit na surveillance at pharmacovigilance.
Sa kasalukuyan, nasa apat na covid-19 drugs EUA holders ang nakapagsumite na ng kanilang aplikasyon para sa Certificate of Product Registration.