Bumuo na ng isang task force ang Food and Drugs Administration (FDA) para suriin ang bakuna kontra sa African swine fever.
Ayon sa ahensiya, binuo ang Task Force Moccus na isang organizational unit sa loob ng ahensiya na layong tiyakin na ligtas, epektibo at maganda ang kalidad ng mga bakuna kontra sa ASF para mapigilan ang pagkalat ng naturang virus sa mga baboy sa bansa.
Hinango ang pangalan ng Task Force Moccus sa isang boar o swine Celtic god of Lingones na Mercury.
Sa kasalukuyan ayon sa FDA, iisa pa lamang na ASF vaccine Marketing Authorization Holder (MAH) ang nakapagsumite na ng aplikasyon para sa Certificate of Product Registration sa ilalim ng Monitored Release (MR).
Kayat hinihimok ng ahensiya ang mga veterinary pharmaceutical industry na magsumite ng aplikasyon kasama ang kumpletong requirements bilang suporta sa kampaniya ng pamahalaan na makontrol ang hawaan ng ASF sa mga baboy sa bansa.