-- Advertisements --
Walang nakitang mga sensitibong dokumento ang FBI sa panibagong search na isinagawa nila sa bahay ni US President Joe Biden sa Rehoboth, Delaware.
Ayon sa FBI na ang search operations ay ipinaalam nila sa US President at hindi na sila humingi pa ng search warrant sa korte.
Sa kampo naman ni Biden na suportado nila ang isinagawang search na ito ng FBI.
Magugunitang noong nakaraang Disyembre ay nadiskubre ng mga abogado ni Biden ang ilang classified na documents sa bahay ni Biden sa Washington.
Ang mga dokumento ay dapat naipasakamay nito sa National Archives noong natapos na ang kaniyang termino bilang bise presidente.










