-- Advertisements --

Bahagyang tumaas ang average farmgate price ng palay noong Disyembre 2023.

Ayon sa Philipipne Statistics Authority, na mayroong P22.98 per kilo ng palay ang presyo noong nakaraang buwan.

Ang nasabing halaga ay mas mataas ng 30 porysento mula sa P17.68 per kilo kumpara noong Disyembre 2022.

Ang nasabing halaga ay 4.6 percent na mataas mula sa P21.96 per kilo na naitala noong Nobyembre 2023.

Itinuturong dahilan ng pagtaas ay ang mataas na retail prices ng mga bigas sa pamilihan ng Metro Manila.

Sa pinakahuling presyo mula sa Bantay Bigas ng Department of Agriculture na mayroong P50 hanggang P65 kada kilo ang presyo para sa ma imported rice habang mayroong P50 hanggang P68 per kilo ng local na bigas.