Inanunsiyo ngayon ng NBA na simula na bukas ng botohan ng mga fans kung sino ang gusto nilang maisama na maglalaro sa 2021 All-Stars.
Ito ay sa kabila na wala pa ring petsa at kasiguraduhan ang gaganaping taunang NBA All-Star Game.
Una nang lumutang na pinag-uusapan na raw na posibleng ganapin ang All-Star Game sa March 7 sa Atlanta.
Kung babalikan rin ang Indiana Pacers sana ang host ngayong taon pero ipinagpaliban ito hanggang taong 2024 bunsod ng COVID pandemic.
Batay naman sa advisory ngayon sa mga fans ang kanilang pagboto ay maaring gawin sa mga social media sites ng NBA.
Ang boto ng mga fans ay bubuo sa 50 porsyento.
Habang ang mga boto mula naman sa mga players at media ay bibilangin din bilang tig-25 percent.
Ang mga nakakuha ng maraming mga boto na mga players ay iaanunsiyo sa Pebrero 18.