Tool
Tool / IG post

Itinuturong isang lalaki na nanood ng concert ng US band na Tool ang pang-apat na kumpirmadong nadapuan ng coronavirus sa New Zealand.

Ayon sa health official, nasa edad 30 ang pasyente na nanood sa gig ng banda na ginanap sa Spark Arena sa Auckland.

Dagdag pa nila na maliit ang tsansa na maikalat ang nasabing virus.

Galing din sa bansang Italy ang lalaki na agad namang na-isolate matapos na magpositibo sa virus.

Itinuturing naman ni New Zealand’s director-general of health Dr Ashley Bloomfield, na ang mga katabi ng lalaki ay ikinokonsiderang “casual contacts”.