Pumanaw na sa edad na 63-anyos ang Oscar-winning singer at actress na si Irene Cara na kilala sa kaniyang blockbuster hits na “Fame at ” Flashdance.”
Ang malungkot na balita ay inanunsiyo ng kaniyang publicist, nitong Sabado.
Ayon kay Judith Moose, publicist ni Cara na natagpuang wala ng buhay ang singer actress sa kaniyang bahay sa Florida nitong Biyernes at hindi pa matukoy kung ano ang sanhi ng pagkamatay nito.
“She was a beautifully gifted soul whose legacy will live forever through her music and films,” pahayag ni Moose.
Nakilala at naging tanyag si Cara sa pag-awit ng title track nuong 1980s film na “Fame,” na sumusunod sa buhay ng mga estudyante sa isang performing arts high school sa New York.
Sa pelikulang ginampanan niya si Coco Hernandez, isang papel na isinulat para sa kanya pagkatapos na siya ay unang itinalaga bilang isang mananayaw.
Dahil sa kaniyang husay trabaho nasungkit nito ang Grammy award nominations para sa pinakamahusay na bagong artist at pinakamahusay na babaeng pop artist.
Nag-cowrote din si Cara at gumanap ng smash hit na “Flashdance … What a Feeling” para sa 1983 na pelikula na may parehong pangalan, na naglalarawan sa buhay ng isang aspiring dancer na ginampanan ni Jennifer Beals.
Sa nasabing kanta, nakuha ni Cara ang Oscar para sa best original song nuong 1984 at dalawang Grammy awards.
“This is the absolute worst part of being a publicist. I can’t believe I’ve had to write this, let alone release the news,” dagdag pa ni Moose.
“Please share your thoughts and memories of Irene. I’ll be reading each and every one of them and know she’ll be smiling from Heaven. She adored her fans,” wika ng publicist ni Cara.