-- Advertisements --

Ikinatuwa ng World Health Organization (WHO) ang hakbang ng Facebook laban sa misinformation ng bakuna.

Sa isang statement inamin ng WHO na isang “major threat” sa sektor ng kalusugan ang maling impormasyon na kumakalat tungkol sa vaccines.

“Vaccine misinformation is a major threat to global health that could reverse decades of progress made in tackling preventable diseases,” ayon sa WHO.

Matapos ang ilang buwang talakayan, pumayag umano ang Facebook na magbigay ng serbisyo na haharang sa mga maling impormasyon tungkol sa bakuna na papasok sa kanilang sistema.

“Major digital organizations have a responsibility to their users – to ensure that they can access facts about vaccines and health,” dagdag ng WHO.

Para sa ahensya, isa ang bakuna sa mga itinuturing na pinaka-epektibong imbensyon sa kasaysayn ng public health.

Batay sa datos ng WHO, nasa 2-milyon tao kada araw ang naliligtas dahil sa bakuna.

Sa kabila nito, aminado ang ahensya na kalbaryo para sa kanila ang pagkalat ng misinformation tungkol sa ma bakuna.

Pero ayon sa Facebook, gagamitin din nila ang iba pang social media platforms gaya ng Instagram para tuluyang matigil ang pagkalat ng maling impormasyon online.

“(Facebook) starting to roll out more ways to connect people with authoritative information about vaccines on Facebook and Instagram.”(Reuters)