Nanawagan ng imbestigasyon si Senate minority leader Chuck Schumer hinggil sa nauusong mobile app ngayon sa social media na “FaceApp”.
Lubos na raw kasing nakababahala ang naturang pagkuha ng personal data mula sa mga taong gumagamit ng mobile application na ito.
Naging viral sa social media ang paggamit ng smartphone application dahil sa filter na pwedeng gamitin upang magmukhang matanda ang taong nasa litrato.
Una nang naging maingay ang usapin patungkol sa privacy concerns matapos mapag-alaman na isang Russian company pala ang nag-develop ng nasabing application.
Mariin namang itinanggi ng FaceApp ang mga alegasyon laban sa kanila.
Sa kabila nito, nakipag-uganayan si Schumer sa Federal Bureau of Investigation at Federal Trade Commission (FTC) na magsagawa ng imbestigasyon laban sa FaceApp.
“I have serious concerns regarding both the protection of the data that is being aggregated as well as whether users are aware of who may have access to it,” ani Schumer.
Ito ay matapos manawagan ng Democratic National Committee sa lahat ng 2020 presidential candidates na huwag gamitin ang app.
Sa kasalukuyan, mayroong 80 million active users ang FaceApp.