-- Advertisements --
Class room
DepEd Image/ FB photo

Nakahanda umanong tumalima ang Department of Education (DepEd) sa panawagan na magkaroon ng face to face learning sa mga lugar na wala ng kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19). 

Ayon kay DepEd Usec. Diosdado San Antonio, nabanggit na rin daw sa budget hearing ang kahilingan ng ilang senador na magkaroon ng face-to-face learning sa ilang lugar na mababa o wala nang kaso ng covid. 

Pero sinabi ni San Antonio na sa ngayon ay maninindigan pa rin sila sa direktiba ng pamahalaan na huwag munang magsagawa ng face-to-face learning hanggat wala pang bakuna kontra sa coronavirus. 

Una rito, ipinanukala ni Vice President Leni Robredo na magsagawa ang DepEd ng limited face-to-face learning sa mga lugar na wala ng kaso ng covid sa bansa.