-- Advertisements --

Dahil sa pinakahuling heat index forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) at ang pag-anunsyo ng isang nationwide transport strike, lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa ay magpapatupad ng Asynchronous Classes/Distance Learning sa sa Abril 29 at 30, 2024.

Gayundin, ang mga teaching at non-teaching staff sa lahat ng pampublikong paaralan ay hindi kailangang mag-report sa kani-kanilang istasyon.

Habang ang mga aktibidad na inorganisa ng Regional at Schools Division Offices, tulad ng Regional Athletic Association Meets at iba pang division o school level programs, na isasagawa sa mga nabanggit na petsa ay maaaring e pagpatuloy, kasabay ng pagpapatupad ng mga hakbang para sa kaligtasan ng lahat ng kalahok.

Samantala, ang mga pribadong paaralan ay hindi sakop ng naturang advisory pero may opsyon ito na ipatupad din ang advisory.