-- Advertisements --

face shield

Iniimbestigahan na ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) ang mga reklamo tungkol sa “face shield online scam.”

Ito’y matapos magsilabasan sa social media ang mga post sa FB page, group at marketplace ng mga naghahanap ng daang libo at milyon na suplay ng face shield para ibenta.

Ayon sa ACG, nai-refer na nila sa kanilang Cyber Financial Unit ang nasabing asunto at kasalukuyang ginagawan na ng aksiyon.

Inaalam din nila kung may nagmamanipulate sa demand sa face shield gayundin sa presyo nito.

Siniguro ng ACG na mananagot sa batas ang mga nagte take advantage sa kasalukuyang sitwasyon.

Pina-alalahanan naman ng PNP ACG ang publiko na mag-ingat at suriin munang maigi ang mga pinapasok na online transactions.

Para sa mga may reklamo, maaring magtext o tumawag sa numerong 0998-598-8116 o pumunta sa website na http://acg.pnp.gov.ph at i-click ang e-complaint icon.