Sisimulan na ng Japanese government sa susunod na linggo ang pagpapadala ng mga reusable cloth masks sa bawat kabahayan sa buong bansa kahit na nakararamdam din ito ng kakulangan sa face masks.
Unang makatatanggap ng face masks ang mga kabahayan sa Tokyo at iba pang liblib na lugar na may pinakamataas na kaso ng coronavirus.
Tinatayang aabot sa 58.5 milyong bahay ang makatatanggap ng face masks. Ayon sa health ministry ng Japan, sinisimulan na nila ang pag-aayos sa mga cloth masks na ipapadala.
May kalakip din itong leaflet kung saan makikita ang tamang paraan nang paghuhugas sa masks.
Aabot umano ng halos 430 million dollars ang gagastusin dito ng Japanese government. Kalahati nito ay manggagaling mula sa nakareserbang pondo habang ang kalahati naman ay kasama na sa pinirmahang supplementary budget ngayong taon.
Pinaplano rin ng health ministry na magpadala ng 130 million cloth masks para sa mga matatanda na nasa care facilities at pati na rin sa mga buntis.