-- Advertisements --
Bahagyang lumapit sa Pilipinas ang typhoon Fabian na may international name na “In-fa.”
Pero ayon sa Pagasa, hindi ito magla-landfall sa alinmang parte ng ating bansa.
Gayunman, paiigtingin nito lalo ang paghatak sa habagat na magdadala ng malalakas na ulan sa malaking parte ng ating bansa.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 740 km sa silangan hilagang silangan ng extreme Northern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 130 kph at may pagbugsong 160 kph.
Kumikilos ang TY Fabian nang pakanluran timog kanluran sa bilis na 10 kph.