-- Advertisements --

Ibinunyag ni seven-time Formula One world champion Lewis Hamilton ang kaniyang problema sa kalusugan at emotions.

Sa kaniyang social media post, sinabi nito na may ilang araw na nahihirapan siyang maging positibo sa buhay.

Pagtitiyak naman ng 37-anyos na British F1 racers sa mga fans na hindi sila nag-iisa.

Dagdag pa nito na dapat ay magpatuloy na labanan ang emosyon para ito ay malampasan.

Magugunitang hindi naitala ni Hamilton ang ikawalong kampeonato noong nakaraang taon dahil sa kontrobersiyal na final race sa sa Abu Dhabi.

Mayroon siyang kabuuang 103 na panalo.